Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro sa P79- P86, gasolina P73- P77

CAMARINES NORTE- Mataas pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Camarines Norte sa kabila ng ipinatupad na rollback nitong Martes, September 13.

Sa ngayon ay naglalaro mula P79. 75 hanggang P86. 14 ang presyo sa kada litro ng diesel habang P74. 05 hanggang P77. 79 ang gasolina.

Sa Shell Mancruz nasa P81. 15 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel, P86. 14 sa V power diesel, P75. 80 sa fuel save gasoline at P77. 79 sa V power gasoline.

Sa Seoil P80. 15 ang kada litro ng kanilang exceed diesel, P73. 55 sa extreme U at P74. 05 sa kanilang extreme 95.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Sa phonenix petroleum P81. 15 ang kada litro ng diesel, P75. 80 sa super unleaded at P76. 30 sa premium.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Petron Pandan para sa kanilang diesel at Xtra advance habang P76. 80 sa XCS at P83. 15 sa Turbo diesel.

Sa Petro Gazz sa bayan ng Basud, P79. 95 ang kada litro ng kanilang Gdzl power, P73. 55 ang GPrime 91 at P74. 05 sa GPremium.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng tricycle sector ang pangakong fuel subsidy mula sa national government.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Naglabas naman ng bagong taripa sa tricycle ang Daet kung saan napagbigyan ang hiling ng FETODA na P15 ang minimum na pamasahe sa tricycle para sa unang dalawang kilometro.

Nagtakda rin ng pamasahe ang Tricycle Regulatory Board para sa mga batang edad 3- 5 taong gulang na P7 habang free of charge naman ang 0- 3 kung kakalungin ng magulang o guardian.

Mayroon ding 20 discount sa PWD, estudyante at senior citizen kung saan P12.00 para sa edad 6 pataas at P1. 60 sa kada susunod na kilometro.

Sa bayan ng basud naman ay nakabinbin pa rin ang panukalang ordinansa habang ang LGU Capalonga ay nagsagawa ng public hearing nitong Lunes.