Tricycle drivers sa Legazpi City, pinakiusapang huwag mag-overpricing sa pamasahe ngayong nalalapit ang PRISAA 2024

LEGAZPI CITY – Nakikiusap si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa lahat ng mga tricycle drivers sa lungsod na kung maaari, huwag nang mag-overprice sa pamasahe sa mga bisita para nalalapit na PRISAA 2024 sa Hulyo, kung saan inaasahan na maraming tao ang dadalo.

Umaasa ang alkalde na walang negatibong mangyayari dahil sa pagtaas ng singil sa pamasahe na maaaring makasira sa imahe ng lungsod.

Kung laging magkakaroon ng tamang singil sa pamasahe ang mga pampublikong sasakyan, maaaring babalik-balikan ito ng mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *