Subpoena kina dating presidential spox Roque at Byron Cristobal, inilabas na

Naglabas na ang Quezon City Prosecutor’s Office ng subpoena para kina dating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger na si Byron Cristobal ang para sa mga reklamong libel at cyber libel na inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanila noong nakaraang buwan.

Sa social media pages ni Trillanes, ibinahagi niya ang kopya ng mga subpoena ngunit inalis ang karamihan sa mga bahagi ng dokumento, kabilang ang mga detalye ng kaso.

Matatandaan na noong Mayo nang magsampa si Trillanes ng ilang reklamong libel at cyber libel.

Kabilang sa mga alegasyon na ito laban kay Trillanes ay ang mga akusasyon ng pagbebenta at pamimigay ng Scarborough Shoal na tinatawag ding Bajo de Masinloc at Panatag Shoal sa China noong backchannel talks ng dating mambabatas noong 2012, gayundin ang mga kuwento tungkol sa kanyang umano’y pagsisikap na bayaran ang isang indibidwal upang maging isang pekeng saksi laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *