Tricycle driver, pinagbabaril-patay sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado, Pebrero 17.

Kinilala ang biktimang si “Agaton”, 48-anyos na tricycle driver at residente ng Brgy. Buenavista East ng nasabing bayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, naglalakad noon sa tulay ang biktima nang dumating ang suspek saka makailang beses itong pinagbabaril na siyang naging dahilan ng pagkasawi nito.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaslang sa biktima.