Tricycle driver, kulong dahil sa shabu

Arestado ang isang tricycle driver na si Herbert Lagos Mortel @ batang (HVI), 47 anyos ng Barangay San Miguel sa Puerto Princesa City.

Ang suspek ay inaresto ng pulisya sa Purok Bagong Lipunan, Brgy. San Miguel dito sa lungsod ganap na alas-kwatro trentay singko nitong Martes, ika- 11 ng Abril.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa City PNP, nakumpiska ng City Drug Enforcement Unit katuwang ang City Anti-Crime Task Force kay Herbert ang  (3) heat-sealed transparent plastic sachets na may laman na hinihinalang shabu.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Kinumpiska rin sa kanya ang Php7,000.00 na ginamit na buy-bust money at isang cellphone matapos ang drug buybust.

Samantala, nahaharap ang drayber sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.