Palasyo nagbibigay pugay sa mga magsasaka at mangingisda ngayong Filipino Food Month

Tiniyak ng Malacañang na nanatiling prayuridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang food security sa bansa.

Ginawa ng Presidential Communications Office ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng Filipino Food Month ngayong buwan.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Tampok naman sa pagdiriwang ng Filipino Food Month ay ang pagbibigay-pugay sa mga magsasaka at mangingisdang Pinoy.

Ayon sa PCO ang naturang sektor ang nagbibigay ng pagkain sa bawat hapag-kainan ng Pamilyang Pilipino.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kasama din sa mga programa ng Pangulo ay ang pagpapaunlad ng agrikultura gayundin ang pagpapayaman ng lokal na produksiyon ng pagkain kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan.