Tricycle driver huli matapos maaktuhan ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga

CAMARINES NORTE- Isang 27-anyos na tricycle driver ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation nitong Agosto 24, 2021 dakong 4:32 ng hapon sa Purok 4, Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

 Ang suspek ay kinilalang si JONEL ALVAREZ y BISO, 27 anyos, tricycle driver at residente ng Purok 2, Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nakuha ng mga  otoridad sa pagiingat ng suspek ang Isang (1) maliit na selyadong pakete ng hinihinalang shabu (drug buy-bust);Isang kulay violet na license card holder na naglalaman ng isang (1) katamtamang laki ng hindi selyadong plastik na may lamang limang daang piso (buybust money) at Pitong (7) maliliit na piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang mga nakalap na iligal na droga ay tinatayang humigit kumulang isang (1) gramo ang bigat na umaabot sa halagang humigit kumulang tatlong libo at limang daang piso (3,500.00).

Ang nasabing personahe ay nasa pangangalaga na ng Daet MPS para sa paghahanda ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 laban sa kanya.