Travel pass kailangan pa rin sa pagpasok sa Camarines Norte kahit fully vaccinated na ang isang indibidwal

CAMARINES NORTE – Mag re- require pa rin ng travel pass at iba pang mga kaukulang dokumento ang Provincial Incident Management Team sa sinumang papasok sa lalawigan ng Camarines Norte kahit ito ay fully vaccinated na at mayroong vaccination card.

Sa kabila ito ng bagong “issuance” na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na vaccination card na lamang ang ipipresenta para  hindi na sumailalim sa COVID-19 test ang isang indibibwal  bilang bahagi ng unti-unting pagluluwag ng pamahalaan sa pagbiyahe ng mga Pilipino, lalo na ang mga kompleto na ang bakuna.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco na napag usapan na nila ang bagay na ito sa pagpupulong ng IMT kahapon.

Aniya madaling mapeke ang vaccination card  at kahit sino ay pwede itong gawin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Bukod kasi sa wala itong “picture” ay sulat kamay lamang din ito na pwedeng ipa- laminate lang at hindi rin agad maaaring malaman kung “fully vaccinated” na talaga ang isang indibidwal

Kaya maliban sa vaccination card, kailangan ding mag prisenta ng ID at vaccination form ang isang indibidwal.

“Ang point namin kahapon nung kami ay nag uusap ng  IMT dito sa province ano, pano namin masigurado na yung taong may hawak ng vaccination card ay siya yun at talagang full doses ang kaniyang bakuna,” ani Francisco.

“Kasi po ang ating vaccination card ay walang picture, walang ID so pwede mong pekeen talaga yun, magpapagawa  ka lang the same kind of paper tapos susulatan mo lang kasi ang nakalagay lang naman doon, ano lang sulat lang, hindi naman type written ano, tapos ipa- laminate, meron kanang vaccination card,  how if kapag may mga mayron tayong makukulit o sutil na mga kababayan na gawin yun even though na hindi pa sila nabakunahan so wala tayong kaparaanan para malaman kung totoo ba talaga o hindi,  so bago mangyari ang mga ganyang bagay, gumagawa na kami ng kaparaanan on how to check this papers.”

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nilinaw naman ni Francisco na hindi nila intensyong suwayin ang IATF pero kailangan lang umano nila itong gawin upang masiguro na hindi peke ang ipapakitang vaccination card at ang may hawak nito ay toong ‘fully vaccinated” na.

“So itong mga ginagawa namin para lang kaparaanan para ma- double check namin na yung me hawak ay siya talagang nabakunahan.”

Kapag nakapagpakita naman daw ng mga hinihinngi ng IMT at totoong “fully vaccinated” na ang  tao ay hindi na required ng anumang COVID- 19 testing sa pagpasok sa lalawigan.