Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan ulit sa Martes

Matapos ang tatlong sunud-sunod na linggong rollback sa presyo ng produktong petrolyo – GOOD News muli para sa mga motorista dahil posible uling tapyasan ang oil prices sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau – Dir. Rino Abad, sa pagtataya ng trading sa pandaigdigang merkado, ay maaari uling mabawasan ang oil prices sa Martes.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Mayroon umanong indikasyon ng rollback sa diesel ng hanggang isang piso.

Inaasahan din ang halos pisong rollback sa kada litro ng kerosene.

Sa gasolina naman, posibleng walang paggalaw sa presyo.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Paliwanag ni Abad, mayroong dalawang tinitignang dahilan ngayon sa pagbaba ng preyo sa world market.

Kabilang na rito ang intermittent lockdown sa China na nagrersulta sa mababang demand ng fuel.

Posible rin umanong naka-apekto ang tuluy-tuloy na pagtataas ng mga interest hikes sa iba’t ibang central banks sa mundo.
#