Transport groups: Dagdag-Pasahe na P1, sapat lang para sa ilang sunod-sunod na oil price hike

Wi-nelcome ng ilang transport groups ang pag-apruba sa P1 na hiling na dagdag-pasahe sa mga jeepneys.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Obet Martin, president ng PASANG MASDA, sinabi nito na ikinatuwa ng kanilang grupo ang dagadag pasahe na kahit papano ay makakatugon sa ilang linggo na sunod-sunod na taas preyo sa petroleum products.

Dagdag pa ni Martin, base sa pag-aaral sa University of Philippines kaugnay sa transportation sa bansa, may 350-400 pasahero ang traditional jeep kada araw habang 400-550 naman sa modern jeep na magsisilbing pambalanse sa naging epekto ng mga sunod-sunod na oil price hike.

Samantala, nauunawaan naman aniya ng grupon PASANG MASDA ang inihayag ng LTFRB na matatagal pa ang mga talakayan sa kanilang petition na P5 na fare increase na sinasabing makakaapekto sa inflation ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *