Transport group sa Olongapo aminadong hirap na hirap na sa oil price increase

Umaaray na ang transport group sa lungsod ng Olongapo dahil sa sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

Bagamat isandaang porysento na ang full seating capacity ng mga pampublikong sasakyan, hirap pa ring makabawi sa kita ang mga ito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Oscar Daan, isang tricycle driver, hirap na silang kumita dahil sa taas ng presyo ng gasolina ngayon.

Panawagan naman ni Visayas Melchor, jeepney driver, sana matulungan sila ng gobyerno dahil maging pagkain ay kailangan na nilang tipirin para lang may maiuwi lang sa pamilya.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kahit kasi nasa Alert Level 1 ang lungsod ay hindi pa rin karamihan ang mga mananakay dahil hindi pa lahat ng eskwelahan ay mayroon nang face to face classes.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells 6i in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ang sobrang pagod na kalamnan ay isang senyales na kinakailangan ng iyong katawan ng pahinga. Power Cells 6IN1 Salabat Brew wCells6IN1 Salabat .. 10gX25S SHOP NOW! Lazada Û.aa- www.powercells.ph'