Transport at iba pang commodities nakapagtala ng increase sa price index noong Hunyo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng increase sa price index ang Transport at iba pang commodities noong Hunyo.

Batay sa Special Release Report ng Philippine Statistics Authority patungkol sa Consumer Price Index for All Income Household sa Camarines Norte noong Hunyo naitala ang increase sa month- on- month comparison sa price index ng Transport at Restaurant and Accomodation Services na kapwa may 1. 4 percent.

Nakapagtala rin ng increase sa Health na may 0. 7 percent change, Food and Non- alcoholic Beverages na may 0. 5 percent, Recreation and Culture na may 0. 4 at Clothing and Footwear at  sa Personal Care and Miscellaneous Goods and Services.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Wala namang naitalang pagbabago sa price index ng ibang commodities tulad ng Alcoholic Beverages and tobacco, Furnishings Household Equipment and Routine Maintenance of the House, Education Services, Information and Communication at Financial Services.

Tulad naman ng inaasahan, lalo pang bumaba ang halaga ng piso.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang piso noong 2018 ay nagkakahalaga na lamang ng 0. 86 centavos noong June 2022.

Ibig sabihin ang P100 na halaga ng mga nabibiling produkto at serbisyo noong 2018 ay kakailanganin na ng consumer ng P116. 90 centavos para mabili ang parehong dami nito.

Noong Hunyo ay bumilis ang inflation sa lalawigan sa antas na 3. 9 percent  kumpara sa 3. 2 percent noong Mayo.