LEGAZPI CITY – Planong magsawa ng mas maraming Training of Trainers session para mapalawak pa ang kaalaman sa disaster risk management sa Albay.
Ito ang inihayag ni Albay Public Safety and Emergency Management Office head Dr. Cedric Daep sa kanyang mensahe sa huling araw ng TOT on Rapid Damage Assessment and Needs Analysis.
Ayon kay Daep, ang kakatapos lamang na aktibidad ay simula pa lamang ng marami pang iba. Binanggit din niya na isang talakayan ang nakatakda para sa linggong ito tungkol sa isa pang TOT.
Binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagiging handa bago pa man mangyari ang isang sakuna, kaniya pang sinabi na, kung gusto mo umanong maging tagapagligtas, papano mo ito magagawa kung hindi mo maililigtas ang iyong sarili.
Higit pa rito, iminungkahi ni Daep na magsagawa ng TOT sa mga aktibidad bago ang kalamidad, kung saan binibigyang-diin dito ang numero unong prinsipyo na dapat itaguyod ng mga DRRM practitioner: “Ang unang dapat protektahan ay ikaw, para maprotektahan mo ang iba.”