Magarang silid, nagagandahang dekorasyon, billiards hall at gintong kubeta. Ganito kagarbo ang bahay ng isang Senior Russian traffic enforcer na si Police Colonel Alexei Safanov.
Pero ang lahat ng ito ang nagbunsod sa kanyang pagkakaaresto matapos na ilabas ng ilang Russian Officials ang footage ng karangyaang ito ni Safanov.
Mayroong natuklasan ang mga opisyal na umano’y mga iligal na gawain nito gaya ng pagiging lider ng criminal gang at tumatanggap ng mga suhol.
Pinalulusot umano ng grupo nito ang mga grain cargo sa mga checkpoints kahit labag sa batas kapalit ng suhol.
Sa imbestigasyon ng Investigative Committee ng Russia nabatid na nakatanggap ang grupo ng 19 million roubles (£187,568) o 257,753.28 USD.
Nasa 80 properties nito ang ni-raid bilang bahagi ng imbestigasyon kung saan nakumpiska ang malaking halaga ng cash, mamahaling mga sasakyan at mga dokumento.
Kabilang sa mga dinakip na gang members ay ang dating senior traffic officer, isang traffic inspector at apat na sibilyan.
Walang masama ang mamuhay sa karangyaan basta ito ay mula sa marangal na paraan. || Shiela Madrigalejos
