Naiulat na pagkasawi sa COVID-19 sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes inalmahan ng alkalde; PHO, nagpalabas ng erratum

BNFM BICOL— Inalmahan ni Gigmoto, Catanduanes Mayor Vicente Tayam Jr. ang naunang ulat ng Provincial Health Office, kaugnay ng naitalang pagkasawi ng isang pasyenteng positibo umano sa COVID-19 mula sakanilang bayan.

Ayon sa alkalde, dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang idinala sa Eastern Bicol Medical Center ang pasyenteng tinukoy ng PHO na nasawi.

Ito aniya ay isang 70-anyos na lolo, residente ng Brgy. San Pedro, bed ridden at may iba pang iniindang sakit. Kaniya umanong ipinagtataka kung papaanong idinekara ng PHO na ito ay isang COVID-19 fatality gayong kinumpirma mismo ng doktor mula sakanilang RHU na hindi naman ito nakunan ng specimen para sa COVID-19 tests habang negatibo naman sa sakit ang tatlong miyembro ng pamilya na kasama nito sa loob ng bahay at ang driver ng sasakyan na naghatid sa pasyente sa ospital.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kaugnay nito, agad namang nagpalabas ng erratum ang Provincial Health Office bilang pagbibigay linaw sa nasabing isyu. Ayon sa PHO, walang namatay na COVID-19 patients sa bayan ng Gigmoto, bagkus ito ay ikinonsidera bilang ‘suspect’.

Sa pinakahuling tala ng PHO-Catanduanes, apat lamang ang aktibong kaso ng sakit sa nasabing bayan habang wala pa namang naitatalang pagkasawi, mula dito.###