Diaz walang planong magretiro sa kabila ng gold medal finish sa Olympics

Isinalaysay ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang mga pinagdaanan bago makuha ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics.

Sa isang online press conference, sinabi ni Diaz iba’t-ibang pagsubok ang kanilang sinuong ng kanyang Team para lamang patunayan na kaya nilang magtagumpay.

Ibinihagi din ng Filipina Olympic Gold Medalist na hindi niya nagagawa sa training ang pagbuhat sa 127kg kaya ganun na lamang ang kanyang pasasalamat nang mabuhat niya ito sa mismong kompetisyon.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Tiniyak naman ni Diaz na hindi pa siya magreretiro sa weightlifting kahit nakuha na niya ang pinak-aasam ng lahat ng atleta, ang gintong medalya sa Olympics.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Umaasa naman ang 30-anyos na Olympian na magsisilbing insipirasyon siya sa mga kabataan na gustong sumabak sa weightlifting.

Naniniwala si Diaz marami pa siyang ibubuga at sunod naman niya na paghahandaan ay ang South East Asian Games.

Samantala, aminado si Diaz na hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa premyo na tinatayang aabot sa P33-M sa kabuoan.