Lady Guard, binaril sa tinutuluyang bahay

Natagpuang patay ang isang lady-guard sa tinutuluyan nitong bahay sa bahagi Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City kahapon ng madaling araw.

Sa panayam ng Brigada kay Police Station 1 Commander, PMaj. John Vincent Bravo, pinaniniwalaang binaril ang biktima na si Lovely Rose Ferraren Rocaberte batay sa mga nakitang sugat nito sa katawan at natagpuang apat na basyo ng bala ng Caliber 45 pistol sa sahig.

Sa pagsusuri ng otoridad, mag-isa lamang ang 35 anyos na biktima sa kanyang kwarto nang pasukin siya ng salarin.

Pagnanakaw at personal grudge ang ilan sa mga nakikitang anggulo ng kapulisan sa krimen dahil nawawala ang pitaka at cellphone ng biktima.

Kaugnay nito, nanawagan si Bravo sa Brigada para ipaalam sa mga kakilala o kaanak ni Lovely Rose na binawian na ito ng buhay.

Nakatira ang pamilya ng biktima sa Barangay Nalin 2, bayan ng Midsayap North Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *