Track Record ng mga kakandidato ngayong 2025 Midterm Election, mahalagang busisiin, ayon sa myembro ng Academe sa Naga

NAGA CITY — Huwag magbabad lamang ngayon at umasa sa mga impormasyong makikita sa social media, sa halip, busisiin ang track record ng mga kakandidato at maging ang kanyang mga nakaraang sinuportahang pananaw at isyu.

Ito ang binigyang diin ngayon ng isang myembro ng academe sa lungsod ng Naga kasunod ng umaarangkadang filing ng certificate of candidacy para sa nalalapit na 2025 National and Local Election.

Ayon kay Dr. Marshal Murillo, ang Associate Proffesor sa Public Administration ng Ateneo de Naga University, mahalagang alamin at huwag palampasin ng mga botante ang track record ng mga kakandidato, tulad na lamang ng mga senyales na mayroong direktang epekto sa sistema at kinakaharap na problema ng bansa.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bagaman inabisuhan rin ni Murillo ang publiko na maging mapanuri sa mga bobotuhang political dynasty sa kanya-kanyang probinsya, ipinunto nito na piliin pa rin ang  may mga napatunayan na at huwag lamang bumase sa popularidad ng mga ito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ganito rin ang pahayag ng isang Youth Leader at Lead Convenor na NaguenYou, Nikayla Odi sa mga kabataang botante, aniya:

Samantala, sa ikalawang araw ng filing ng COC, tahimik pa rin ang opisina ng Commission on Election Naga, at wala pang naitatalang mga nagsusumite ng kandidatura, maliban sa iilang mga kumukuha ng voter’s certification na nabawasan na rin.

Subalit, hanggang sa huling araw ng filing, patuloy na maghihintay ang Comelec Naga sa mga kakandidato.