Isang babae, nagpanggap na patay para takasan ang kaso

Naaresto ng NBI ang isang babaeng nagpanggap umanong patay na noong 2019 para maiwasang masentensyahan.

Nabisto ang suspek matapos lumutang at magreklamo ang totoong nagmamay-ari ng kanyang ginamit na pangalan na Jesica Francisco.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sangkot ang babae sa textbook scam noong 1999.

Sa pamamagitan ng fingerprint matching, natuklasan ng mga awtoridad ang pagkakailanlan ng suspek.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa anti-alias law at falsification of public documents.

Pinag-aaralan na rin ng NBI ang pagsasampa ng kasong estafa.