Trabahante, patay matapos mahulog sa ginagawang balon sa Batangas

Binawian ng buhay ang isang trabahante matapos na aksidenteng mahulog sa hinuhukay na balon sa Purok 5, Brgy. Balakilong, Laurel, Batangas.

Kinilala ng Laurel Municipal Police Station ang biktima na si Richard Balingway, 55 anyos, tubong Benguet, Mountain Province at naninirahan ngayon sa nabanggit na barangay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon sa salaysay ng katrabaho nitong si Eugenio Flores Dela Torre, aksidente umanong nahulog si Richard at nabagok ang ulo nito habang sila ay naghuhukay bandang alas-2:30 ng hapon noong Martes, Hunyo 14, 2022.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dinala pa nila sa Dr. Daniel O. Mercado Medical Center sa Tanauan City ang biktima ngunit binawian pa rin ito ng buhay kinaumagahan.

Batay sa findings ng doktor, “Traumatic Brain Injury Secondary to Fall” ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.