Tourism sector, hinikayat na mag-avail ng interest-free loan packages

Hinimok ng Department of Tourism (DOT) ang mga entrepreneurs na nasa tourism sector na mag-avail na ng interest-free loans mula sa P6 billion na package ng national government.

Ito ay sa gitna pa rin ng pagbangon ng industriya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Tourism Director for Tourism Standards and Regulation Virgilio Maguigad, ang naturang halaga ay mula sa programang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises for Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood na nasa ilalim naman ng Bayanihan 2.

Dagdag pa ni Maguigad, umaabot lamang sa P145 million ang nailabas mula sa applications para sa nasabing loan package.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sinabi ni opisyal na dapat samantalahin ang mga pagkakataong ito lalo na’t one-time service charge lamang ang sisingilin.

Bukod dito’y, mababatid na naglaan ang pamahalaan ng P3 bilyon na halaga para naman sa mahigit 100,000 tourism workers sa buong bansa.