LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 53% ang total vaccination rollout sa Daraga, Albay na kung saan malapit na ito sa 70% target population para sa herd immunity requirement.
Ayon kay Dr. Ceasar Mata, head ng Municipal Health Office (MHO), marami na rin ang kanilang nababakunahan sa nasabing bayan.
Maliban sa A2 priority group o senior citizen, kaunti pa lang ang nagpapabakuna.
Aniya, kahit mayroon na umanong bakunang dumarating sa bayan ay may iilan pa rin na ayaw magpabakuna na senior citizen dahil sa takot pa rin ang mga ito na magpabakuna.
Dahil dito, nagsasagawa ang MHO ng mobile vaccination sa mga barangay upang mailapit sa kanila ang bakunahan.
Sinabi ng opisyal, sa susunod na linggo ay magkakaroon muli ng 2nd round ng pagbabakuna.