LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 359, 382 ang kabuuhang bilang sa Bicol Region na natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang inihayag ni Joseph Teston ng DSWD sa ginawang pressbriefing na accomplishment report.
Base sa record, umabot sa 354, 442 Regular CCT, 4, 940 modified Conditional Cash Transfer benepisyaries. Aabot sa 316, 235 na mga kababaihan habang 431, 147 na mga lalaki ang nabigyan na nasabing programa.
Sa Albay, nasa 78, 072 families ang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan 95.54% rito ang compliance rate.
Aabot sa P7.86B ang kabuuhang budget ng Bicol Region para sa 4ps.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay naisabatas na noong 2019 o 4Ps Act o RA 11310, ang programa ay magiging isang permanenteng pambansang estratehiya ng gobyerno upang puksain ang kahirapan sa bansa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon.