Viral at hinahangaan ngayon sa social media ang isang 23-anyos na dalaga matapos nitong ibahagi ang kanyang kwento ng pagkamit sa kanyang pangarap sakabila ng kahirapan sa buhay.
Hindi na bago satin ang iba’t-ibang kwento ng tagumpay, ang mga kwento ng pagbangon at pagsusumikap makaahon lamang sa sumpa ng hirap.
Katulad na lamang ng kwento ni Joanna Rose Griño mula sa lalawigan ng Bulacan. Matapos kase ang limang taong pag-aaral habang nagta-trabaho bilang isang kasambahay, siya ngayon ay isa nang ganap na lisensyadong Pharmacist.
Lumaki sa probinsya ng Sorsogon si Joanna mula sa mahirap at simpleng pamilya. Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan niyang lumuwas patungo sa Bulacan upang matulungan ang kanyang pamilya lalo na anim silang magkakapatid.
Kasabay ng pag-ta trabaho ay nagsumikap siyang makapag ipon para sakanyang pag-aaral. Kumuha siya ng kursong BS Pharmacy sa Our Lady Of Fatima University-Valenzuela.
Pamilya ang kanyang ginawang inspirasyon upang makapag tapos ng pag-aaral na kanyang napagtagumpayan at nito lamang nakaraang linggo ay lumabas na ang resulta ng kanyang board exam at kabilang siya sa mga nakapasa.
Plano ni Joanna na pag-aralin ang kanyang mga nakababatang kapatid ngayong nakamit niya na ang kanyang pangarap na makapagtapos.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol