Total Solar Eclipse, hindi makikita sa Pilipinas

Inaabangan na sa buong mundo ang total solar eclipse na mangyayari ngayong araw, April 8.

Yun nga lang, ang solar eclipse ay hindi makikita sa Pilipinas dahil dadaan ito sa North America, at tanging ang mga nasa Mexico, United States at Canada lang ang makakasaksi rito.

Bilang baliktad ang oras ng ating bansa sa Western countries, ibig sabihin ay gabi na dito sa Pilipinas mangyayari ang nasabing event.

Ang susunod na total solar eclipse ay magaganap sa April 20, 2042 at magiging visible na sa Pilipinas na masasaksihan sa Legazpi City.

Ang solar eclipse ay ang pagharang ng buwan sa sinag ng araw na nagsasanhi ng pagdilim kahit may araw pa o tanghaling tapat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *