CAMARINES SUR -Tagaktak na sa pawis ang maraming taga Camarines Sur kahit umaga pa lamang, ilang araw nang pumapalo sa mahigit 40°C ang heat index at sa forecast ng DOST-PAGASA Pili posible pang pumalo sa 42°C ang init na mararamdaman ngayong araw.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Governor Luigi Villafuerte ang suspensyon ng in-person classes at pagpapatupad ng Asynchronous classes distance learning sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan/ epektibo ngayong araw Abril 8, 2024 hanggang bawiin o-ilift. Hindi na rin inoobliga ang guro at non-teaching personnel na magreport sa paaralan.
Ayon sa weather forecaster na si Mike Padua , puwede pang tumaas ang heat index/, katunayan sa Liboton, Naga City pumalo sa 43.4°C kahapon kaya dapat aniya laging hydrated.