Umaabot ngayon sa 26, 953 ang kabuuang bilang ng registered voters sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte batay sa datos ng Commission on Elections sa 2nd quarter ng 2024.
Sa bilang na ito, 13, 705 ang mga babae na mas marami kaysa mga lalaki na nasa 13, 248.
Magkakaroon uli ng updating ng registered voters sa susunod na linggo sa gagawing Election Registration Board (ERB) hearing.
Noong April 15, 2024 ERB nasa 2, 229 ang inalis sa listahan ng mga botante sa naturang bayan dahil sa pagkamatay at iba pang mga kadahilanan.
Samantala, magsasagawa naman ng satellite registration ang Comelec- Sta Elena sa iba’t- ibang Barangay nito ngayong July.
Kabilang sa mga barangay na tutunguhin ng Comelec para sa satellite registration ay ang Maulawin, Patag Ibaba at Patag Ilaya sa July 10- 11.
Gagawin ang satellite registration sa Barangay Hall.
