Resolusyong naglalayong palakasin ang sportsmanship ng Nagueño Athletes, naipasa ng City Youth Officials

NAGA CITY – Pasado agad ang unang dalawang resolusyon na inihain ng Naga City Youth Officials sa kanilang unang session noong Hulyo 5, 2024 kung saan isa rito ang resolusyong naglalayong palakasin ang sportsmanship ng mga manlalaro sa lungsod.

Napag-alaman kay City Youth 1st Councilor Kerwin Drew Ardinazo na isa ang resolusyong ito sa binigyan nila ng pansin upang madisplina ang lahat ng mga manlalaro ng Naga nang hindi na maulit pa ang nangyari noong nakaraang Palarong Bicol. Matatandaan na nagkaroon ng gulo sa pagitan ng football team ng Naga at Masbate kung saan nauwi ito sa pisikalan. Dahil sa nangyari, hindi lang ang dinadalang paaralan ng mga manlalaro ang napahiya kundi maging ang buong lungsod ng Naga.

Isa ito sa mga nakikita nilang unang hakbang upang muling palakasin ang sportsmanship ng mga manlalaro lalo na ngayong malapit ng magsimula ang Palarong Pambansa.

Samantala, naipasa rin ang resolusyong naglalayong isama ang larong “Kuntaw” o ang Filipino Martial Arts tuwing Linggo ng Kabataan. Sinabi ni City Youth Vice Mayor Allysa Comeda na sa kanilang obserbasyon, tila nababalewala na ang ganitong isports dahil mas nasasapawan na ng basketball at volleyball. Mahalaga anya na huwag alisin ang mga larong sariling atin upang mapreserba ang ating kultura sa modernong panahon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod