Total loss sa mga tindahan sa NCPM, umabot na ng P70 milyon

NAGA CITY – Umabot na ng P70 milyon pesos ang total loss sa mga tindahan pa lang sa Naga City People’s Mall. Nasa P5 milyon pesos naman ang pinsala na ng naturang merkado dahil sa Bagyong Kristine.

Ayon kay Ramon Florendo, Market Superintendent ng NCPM, bagamat may mga kaunting naisalba, halos winash-out ng bagyo ang mga paninda lalo na ang nasa ground floor na umabot lagpas ulo ang tubig-baha. Maging ang restoration ngayon, posible pang umabot ng isang Linggo o higit pa bagamat balik operation na ang sa second floor at third floor ng merkado.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental
Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Dagdag pa ng opisyal, bilang tulong o pampagaan sa mga negosyante sa merkado lalo na’t hindi pa nakakabalik ang iba, hindi na muna pinagbayad ng renta sa buwan ng Oktubre, makakatanggap din ng cash assistance, at papautangin na walang interes upang makabawi depende sa kanilang magiging assessment.