NAGA CITY – Umabot halos sa 64 milyong piso ang halaga ng agrikultura ang napinsala ng bahang dala ng Bagyong Kristine sa mga palayan at taniman sa San Fernando, Camarines Sur at ito ay may katumbas na mahigit isang libong ektarya, batay sa inilabas na datus ng Municipal Agriculture Office.
Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Allan Salvador, head ng naturang opisina, sinabi niyang karamihan sa mga naapektuhan ng baha ay ang mga palayang madali na anihin at mga gulayan.
Ayon sa kanya, ang ibang mga magsasaka na may insurance ang tiyak na makakatranggap ng financial assistance mula sa Phil Crop Insurance Corporation subalit nasa proseso pa ito, ang iba naman ay tumaggap na rin ng agarang tulong sa LGU-San Fernando.