Search and Retrieval Operations, itinigil na ng Naga City Police Office; 16 nasawi sa lungsod, naitala dahil sa bagyong Kristine

NAGA CITY— Ihininto na ngayon ng mga personahe ng Naga City Police Office ang Search and Retrieval operations sa mga napaulat na nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay NCPO Public Information Chief, Police Lieutenant Colonel Chester Pomar, kinumpirma nitong kahapon ay ipinag-utos na ni NCPO City Director Police Col. Erwin Rebellon na ihinto na ang paghahanap dahil malaki aniyang natabunan na ito ng malaking bahagi ng lupa sa parte ng Barangay Cararayan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa Naga City umakyat na sa kabuoang 16 na indibidwal ang nasawi dahil sa bagyong Kristine. 15 rito ang binawian ng buhay dahil sa pagkalunod at pagkakuryente habang ang isa ay inatake sa puso. Walumpung taong gulang na senior citizen ang pinakamatanda habang anim na taong gulang naman ang pinakabatang naging casualty ng bagyo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kahapon, isinagawa sa Naga City ang paggunita sa mga namayapang indibidwal kasabay ng pag-obserba sa National Day of Mourning for the victims of Severe Tropical Storm Kristine bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at pakikidalamhati sa mga naiwan nitong pamilya at kaanak.
Samantala, nakaalerto na ang mga personahe ng NCPO sa posibleng maging banta ng bagyong Marce sakaling dumaan ito sa kalupaan.