Top NPA leader na sugatan sa engkwentro, patuloy na binibigyan ng medical assistance ng Army

Habang patuloy na tinatalo ng puwersa ng gobyerno ang terorismo sa Masbate, patuloy din ang pagbigay nito ng medical assistance sa isa pang mataas na pinuno ng New People’s Army (NPA) na nasugatan sa engkwentro noong Lunes, Agosto 21 sa Sitio Madarag, Brgy Jagnaan, San Jacinto ng nasabing lalawigan.

Kinilala ang sugatan na NPA lider na si Ramon Bartolata na agad na binigyan ng paunang lunas ng mga operating force ng Army sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro at kalaunan ay dinala sa Ticao District Hospital para sa patuloy na gamutan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Si Bartolata alias Jamon ay commander ng Platun 3, Kilusang Larangan Gerilya (KLG) North ng Sub-Regional Committee (SRC) 4.

Matatandaan na sa nasabing engkwentro, napaslang ang itinuturing na kilabot na kumander ng NPA na si Eddie Rosero alias Star, commander ng L1, KP4 at tatlong babaeng mandirigma na sina Sheryl Dejumo Salazar alias Balbon, 35-anyos; Glenda Dejumo Ajitan alias Jinlyn, 46-anyos at Devina Lubiano Ajitan, alias Teyeng, 51-anyos.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, pinuri naman ng commander ng 903rd Infantry Brigade na si BGen Aldwine Almase ang pagpupursige ng operating forces sa pagpapatuloy na pursuit operations ng 96th IB laban sa mga tumakas na mga rebelde.

Ang nangyaring engkwentro sa Brgy Jagnaan ay ang pangatlong sagupaan sa pagitan ng NPA at 96IB mula noong Agosto 18, 2023 sa Ticao, Masbate.