Top 9 Most Wanted Person ng Calabarzon, arestado

Arestado sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ang isang suspek na tinaguriang Most Wanted Person ng Calabarzon sa Brgy. Balagtasin 2nd, San Jose, Batangas.

Kinilala ng San Jose Municipal Station ang suspek na si Rex Harold Robles, 21 anyos at residente rin ng nasabing bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon sa imbestigasyon, alas 4:20 ng hapon ng Hunyo 2 ng maaresto ang naturang suspek sa Brgy. Balagtasin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu sa Regional Trial Court  Branch 4 sa Batangas City.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nahaharap ang suspek sa kasong rape matapos nitong gahasain ang isang edad 18 na babae noong February 11, 2021. Nasa kostudiya na ngayon ng nasabing himpilan ang naturang suspek.