Masbate PPO binalikan ang kulturang Pilipino, isinagawang mini Olympics, may temang ‘Larong Pinoy, Laro ng Lahi’

SORSOGON CITY – Sa pag-unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong pinoy.

Ang katutubong larong ito ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kay’t dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro.

Ito ang dahilan kung kaya’t ipinagmamalaki ng pamunuan ng Masbate Police Provincial Office sa pangunguna ng Police Director na si PCol Rolly Albaña ang pagsagawa  ng mini Olympics ngayong taon na may temang ‘Larong Pinoy, Laro ng Lahi.’

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Layunin nitong pagyamanin ang pakikipagkaibigan, pagkakaibigan at pagkakaisa sa mga unipormado at hindi-unipormadong tauhan kasama ang kanilang mga dependents.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Binubuo ng aktibidad ang mga sporting events tulad ng tug-of-war, egg relay, sack race, pagulong, bagul race at iba pa na naghihikayat sa mga kalahok ng koponan na ipagpatuloy ang kanilang pagkahilig sa kultural na sports ng mga Pilipino sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya.