Bicol CHD, bumisita sa Sorsogon para sa pagbabakuna sa 5-11 taong gulang

SORSOGON CITY – Bumisita ang Demand Generation Team (DGT) ng Bicol Center for Health Development (CHD) sa mga paaralan at vaccination sites sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang deployment ng nasabing team ay nakatuon sa pagtataguyod ng pagbabakuna para sa Covid-19 na itinatampok ang pagbabakuna sa bata para sa 5 hanggang 11 taong gulang.

Ang Bicol CHD ay nanawagan sa publiko na magpabakuna at magpalakas para sa karagdagang proteksyon laban sa Covid-19.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang team ay nanantili ng dalawang araw sa lalawigan.

Ang DGT ay binubuo ng mga health workers at communication professionals na nagtatrabaho hindi lamang para sa pagbibigay ng Covid-19 vaccines, may kakayahan din ang mga ito sa ibat-ibang paraan ng pakikipag-usap, pakikinig at paghihikayat sa mga mamamayan para tangkilikin ang bakuna para sa Covid-19.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Mababatid na ang Sorsogon ay bigo pa rin na maabot ang 80% herd immunity.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng SPHO, nasa 70.10% pa lamang ang mga fully vaccinated individuals o katumbas ng mahigit 400K katao.

Malayo pa ito sa 691,042 na target ng lalawigan kung saan malaking epekto rito ang mababang turn- outs sa ilang mga bayan na ngayon ay pinagtutuunan na ng pansin ng bawat Rural Health Units (RHU).