Top 5 sa Architecture Licensure Examination inspirasyon ang pamayanan sa mga pangarap

NAGA CITY- Hindi makapaniwala ang na 26 taong gulang na dalaga nang napabilang sa top 10 na kung saan nag top 5 siya sa ginanap na Licensure Examination for Architecture noong Agosto 27-29, ngayong taon

Siya si Alyanna Marya Tricia Marguez De Villa o mas kilala sa palayaw na “Tata”, panganay na anak, nakatira sa Bagumbayan Sur, Naga City at nagtapos sa kursong Architecture sa Bicol State College Of Applied Sciences And Technology o BISCAST sa Naga.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kwento ni Alyanna o Tata sa Brigada News FM Naga, labis ang kasiyahan na kanyang nararamdaman maging ang buong pamilya dahil sa hindi lamang siya pinalad na makapasa bagkus ay nakapasok pa sa listahan ng mga nanguna.

Ibinahagi pa nito na hindi siya naging masaya sa una niyang kurso kaya nagdesisyon itong mag iba ng papasukan, lumipat nga sa kursong Architecture dahil sa gusto nitong gumawa ng sariling pangalan sa larangan ng Architecture at ang makatulong sa pamayanan o sa komunidad sa paraang alam niya.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sinabi pa nitong sipag, tiyaga at panalangin ang naging motivation niya para maipasa ang nasabing examination.

Tunay ngang isang inspirasyong maituturing si Tata pagkat napatunayan nitong hindi lamang siya maganda, matalino pa.