PH Red Cross, patuloy sa pamamahagi ng shelter tool kits sa Catanduanes

CATANDUANES—Nagpapatuloy ang Philippine Red Cross sa pamamahagi ng mga yero at shelter tool kits sa mga residente ng Catanduanes na konsideradong totally damage ang bahay nang manalasa ang Super Typhoon Rolly noong nakaraang taon.

Sa pinakahuling pagtatala ng PRC, umabot na sa 356 na households ang nakatanggap ng tig sa-sampong CGI sheets; tigli-limang kilo ng umbrella nail; tig-ta tatlong kilo ng CWN at iba pa.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

47 sa mga household beneficiaries ang mula sa Brgy. Puting Baybay sa bayan ng San Andres ang nakatanggap na ng naturang ayuda; 61 sa Brgy. Genitligan sa bayan ng Baras; 89 sa Brgy. Sioron at 26 sa San Pedro sa bayan ng Gigmoto habang 133 mga benepisyaryo naman ang mula sa Brgy. Batalay sa bayan ng Bato.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Paglilinaw ng PRC ang mga benepisyaryo ng sa ipinamamahagi nilang shelter tool kits ay ‘pre-identified’ na batay sa isinagawang assessment ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyo sa  probinsya.

Kaugnay nito, inihayag ni PRC Catanduanes Chapter Administrator Reymund Reginaldo na magpapatuloy ang kanilang distribusyon ng mga shelter tool kits para sa target na 1,000 households beneficiaries ng programa san islang lalawigan.###