Top 2 Regional most wanted person, arestado

𝗧𝗢𝗣 𝟮 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 Natimbog sa Cabarroguis, Quirino ang Top 2 Most Wanted Person sa Rehiyon Dos ngayong araw.

Kinilala ang dinakip na si alyas Rosa, 64-anyos, residente ng Tupax, Jones, Isabela. Inaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng Cabarroguis Police Station sa pangunguna at mga tauhan ng QPIU at Police Station 3 ng SCPO sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Modus ng suspek, mangangako na papaalisin ang isang tao na nais mangibang bansa at magbabayad ito ng malaking halaga bilang downpayment para sa mga placement fee, processing fee, Certificate of Employment, e-Registration account, Pre-Employment Orientation Seminar, medical examination, at Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) certificate.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nahaharap ito sa kasong tatlong bilang ng Illegal Recruitment Under Section 6, First Paragraph of R.A 8242 as Amended by R.A 10002 at walang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya.