Ikalawang araw ng 16th PAGSO NAT’L convention, umarangkada

𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝟭𝟲𝗧𝗛 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗢 𝗡𝗔𝗧’𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔! Nagpapatuloy ang pagdagsa ng iba’t-ibang mga General Services Officers na mula sa mga Local Government Units sa buong Pilipinas sa Isabela Convention Center sa Cauayan City para sa ikalawang araw ng 16th Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) National Convention.

Tampok ngayong araw ang Technical Session ng mga kalahok kasama si NAP Retired Chief Archivist na si Estrella Domingo kung saan iikot ang discussion sa pag-optimized ng Records Lifecycle.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mamayang alas-sais naman ng gabi ay magkakaroon ng Congressmen’s Night na lalahukan naman ng mga delegado. Samantala, sa panayam ng Brigada News Team kay Hector Nidoy, isa sa mga delegado mula sa Colombio, Sultan Kudarat, magandang oportunidad aniya ito upang magsama-sama ang mga GSO sa buong Pilipinas at makakuha ng mga bagong insights sa public administration at sa procurement.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Aniya, mahalaga rin ang aktibidad upang maging updated sila sa mga Laws and Rules ng Government Expenditures.

Isinasagawa taon-taon ang PAGSO Convention upang magbigay ng oportunidad sa mga government service professionals para magkaroon ng knowledge exchange at mga collaborations.

Tatagal hanggang sa Sabado, Ika-22 ng Hunyo ang National Convention at magtatapos ito sa pamamagitan ng City Tour sa Lalawigan ng Isabela