Top 1 most wanted person sa Bicol Region na naaresto sa Mandaue City, naibalik na sa kanyang court of origin

Iprinisenta na sa kanyang court of origin ang top 1 most wanted person sa Bicol na naaresto sa Mandaue City ng mga tauhan ng Pio V Corpus Police katuwang ang Mandaue City Police at iba pang operatiba ng PNP, sa ilalim ng Oplan Pagtugis.

Kinilala itong si Rey Pepito Buhia alias ‘Titing Bulanting Buhia,’ 45-anyos, may asawa, mangingisda at naninirahan sa Brgy Mabuhay, Pio V Corpus, Masbate.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa Masbate PPO, naaresto si Buhia sa kanyang pinagtataguan sa Canduman Housing, Brgy Canduman ng nasabing lungsod noong Marso 3 ng kasalukuyang taon. Nahaharap ito sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Si Buhia ay nagtago ng mahigit 5 taon matapos na mapatay nito ang biktimang si Raymond Rosales Mahinay noong Mayo 22, 2017.

Hinihintay na lang ng Pulisya ang commitment order sa akusado na ibaba ng korte.