Kakulangan sa pondo, itinurong dahilan ng delayed payout sa hazard pay ng mga health workers

Aminado si Sorsogon Provincial Health Officer Jun Bolo na mabagal ang pagbibigay ng mga hazard pay sa mga public health workers sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Sorsogon, ito umano ay dahil sa kakulangan sa pondo ng Department of Health o DOH.

Sa session ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ng opisyal na buwan-buwan dapat ang pagbibigay ng hazard pay sa mga empleyado ng mga pambublikong health care facilities sa lalawigan, subalit dahil sa kakulangan sa pondo, tatlong buwan umano ang lumilipas bago makakuha ng hazard pay na kabayaran sa kanilang serbisyo sa gitna ng panganib na dala ng pandemya.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Mababatid na batay sa datos, tanging ang Sorsogon Provincial Hospital pa lamang ang nakakakuha ng tatlong buwang hazard pay mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ang mga bayan naman ng Castilla, Gubat, Irosin, Bulan, Matnog, at Magallanes ay para  sa buwan ng Enero hanggang Pebrero pa lang ang dumating na hazard pay.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Para naman sa buwan ng Enero ang dumating sa bayan ng Prieto Diaz habang ang bayan ng Donsol ay wala pa ring pondo mula sa nasabing ahensya hanggang sa ngayon.