Toni Fowler, nag-piyansa sa Pasay RTC

Nakapagpiyansa na ang vlogger na si Toni Fowler na kinasuhan ng cybercrime dahil sa inilabas niyang music video sa social media.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Naglagak si Fowler ng halagang P120K sa Pasay Regional Trial Court Branch 108.

Maaalalang noong Setyembre ay sinampahan ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Incorporated ang content creator dahil sa umano’y immoral at indecent na music video.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Nabatid na kasong paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa laban kay Fowler.