Kampo ni Sen Jinggoy Estrada – nilinaw na ‘di pa siya makukulong

Muling nilinaw ng kampo ni Senador Jinggoy Estrada na hindi naman ito basta-basta makukulong.

Kasunod ‘yan ng conviction niya sa bribery cases sa Sandiganbayan 5th Division.

Ibig-sabihin, tuloy pa rin ang trabaho niya bilang Senador.

Read More:  Witness: VP Sara held no shares or corporate position in GenCorp

Sabi ni Atty. Alexis Suarez – kapwang bailable offences ang direct at indirect bribery.

Marami rin daw mga legal remedies na maaaring i-avail ang kanilang kampo para i-counter ang naging desisyon ng Anti-Graft Court.

Read More:  PNP reports 32% drop in focus crimes nationwide

Kung maalala, una nang sinabi ni Senate President Migz Zubiri na maaari pa ring magtuloy sa trabaho si Sen. Jinggoy sa Senado hangga’t wala pang finality ang desisyon ng Sandiganbayan.