Binatikos ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o (PISTON) ang naging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o (LTFRB) na unahing bigyan ng fuel subsidy ang lahat ng public utility vehicle drivers o yung mga modernized na jeepney.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Mody Floranda, National President ng PISTON, iginiit nito na dapat na pantay-pantay ang pag-aabot ng tulong ng LTFRB.
Giit pa ni Floranda, hindi naman aniya nauuna na pinapatawan ng taas singil ang mga modern jeepney kung kaya nagpapakitang “bias” ang aksyong ito ng LTFRB.
Samantala, suportado ng PSTON ang grupong MANIBELA sa gagawin nitong tigil-pasada sa Lunes, July 24 hanggang July26 na una ng siniguro ng Philippine National Police (PNP), Land Transpotation Office (LTO) at LTFRB na maglulunsad sila ng libreng sakay para sa mga apektadong pasahero.
