Toll collection sa Cavite suspendido mula July 1 hanggang 30

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na suspendido na mula July 1 hanggnag 30 ang toll collection sa Manila-Cavite Expressway.

Ito’y matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority na suspendehin ang toll collection sa pamamagitan ng RFID at cash transactions.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa dalawang pahinang resolusyon, nagpasya ang TRB na pansamantalang suspendihin ang pangungulekta ng toll fee matapos banggitin ng Pangulo ang 30 araw na toll holiday noong pasinayaan ang tatlong proyekto ng expressway sa Sucat, Paranaque.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ang suspensiyon sa toll fee ay para sa lahat ng uri ng sasakyan na dumadaan sa CAVITEX.