Hiniling ni Senador Francis Tolentino sa mga malalaking toll companies na gawing exempted na sa pagbabayad ng toll fees ang mga sasakyang nagdadala ng relief items sa mga nasalanta ng kalamidad.
Ayon kay Tolentino, marapat lang na hindi na patawan pa ng toll ang mga ito dahil sa pagkakawang-gawa nila sa mga biktima ng bagyo.
Kung maalala, ayon sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pumalo sa mahigit 3 milyong katao ang apektado ng bagyong Egay, Falcon at Habagat.
#