Patuloy pa rin ang mga nararanasang mga pagbaha sa lalawigan ng Pampanga dulot ng pag-ulan dala ng habagat at nakalipas na Bagyo kung saan 207 na Barangay na sa probinsya ang apektado pa rin ng mga pagbaha.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Angelina Blanco, Chief ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sinabi nito na buong lalawigan ang nasa ilalim ng State of Calamity kung saan ilan sa mga Brgy ay gumamit na ng kanilang quick response fund dahil sa masyadong maraming pamilya ang apektado.
Ayon kay Blanco, hindi naman gaanong naapektuhan ang provincial, municipal at barangay roads ng Pampanga sadyang hindi lamang passable para sa ilang light vehicles dahil sa mataas ang level ng baha.
Laking pasasalamat naman ng opisyal ng PDRRMO dahil patuloy ang pagbibigay ng tulong nga LGU’s, DSWD, OCD at mga private organization gayundin ang ilang senador kung kaya patuloy na nabibigyang tulong ang mga residente na nasa evacuation center pa rin.
#