“Sa DSWD Bawal ang Fake News kaya dapat sa #SaTrueLang”.
Ito ang tagline ng bagong kampanya ng Department of Social Welfare ang Development o DSWD para labanan ang paglaganap ng fake news.
Inilunsad kahapon ang #SaTrueLang anti-fake news campaign, na layong protektahan ang mga mahihirap at nasa vulnerable sector na hindi mabiktima ng maling impormasyon.
Sa naturang kampanya, magsasagawa ng fact checking ang Social Marketing Services ng DSWD hinggil sa mga kumakalat na post na ginagamit ang pangalan ng ahensya, at magbigay babala sa publiko.
Bukod sa online presence, magsasagawa rin ng face to face orientation ang DSWD sa mga caravan upang magbigay ng tips kung paano matukoy na fake o hindi ang isang content.
#