Inanunsyo ng Tokyo Olympics organizers na isang tao ang nagpositibo sa COVID-19 sa athlete’s village, unang kaso sa isang site kung saan mananatili ang mga kalahok ng palaro.
Kinumpirma ng mga organizers na isang bisita mula abroad na kasama sa pag-organisa ng Games ang nagpositibo sa routine test kahapon.
Di naman ibinunyag ang nationality ng nasabing indibidwal para sa privacy reasons.
Sinabi ni Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto na naiintindihan nila ang pangamba ng publiko tungkol sa seguridad ng mga atletang lalaban sa Olympics.
Pero sinusubukan umano ng mga organizers na maintindihan ng mga tao na ligtas at secure ang games.
Nagsisimula nang dumating ang mga atleta para sa Games na tatakbo mula July 23 hanggang August 8.