SORSOGON CITY- Sisilipin ng konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang foreign denominated power bills na binabayaran ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO 2) sa GN Power na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng kuryente ng probinsya.
Sa impormasyong nakuha ng Brigada News FM sa isinagawang regular session ng SP nitong nakatalikod na linggo, sinabi ni Committee on People’s Law Enforcement Board at Committee on Education, Arts, Cutlture and Heritage chairman Councilor Joven Francis Laura, na isa kasi ito sa nagiging dahilan kung kaya’t mataas ang electric bill na binabayaran ng mga member-consumers sa Sorsogon.
Paliwanag ng opisyal, ang foreign denominations ay napakavolatile o pabago-bago kung kaya hindi nararapat na ipasa ito ng kooperatiba sa kanilang mga member consumer.
Positibo naman ang naging pagtugon dito ng SORECO 2 sa pagsasabing kanilang pag-aaralan ang mga maaari nilang magawa upang maibsan ang suliraning ito.

